2 lineman nakuryente

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay ang dalawang electric linemen ng Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC) matapos makuryente habang inaayos ang linya ng kuryente sa Barangay 12 San Cayetano, San Nicholas, Ilocos Norte, kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Talio Portela, 44; at Marcon Domion, 34.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi ay nagsasagawa ang dalawa ng pag-aayos ng linya ng kuryente dahil sa nagkaroon ng brownout sa lugar nang aksidenteng nahawakan ang live wire at kapwa nangisay.

Ang dalawa ay isinugod sa magkahiwalay na ospital sa Laoag City na kapwa idineklarang dead on arrival.

Show comments