LTO enforcer, 2 pa timbog sa kotong
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang tatlong katao kabilang ang isang enforcer ng Land Transportation Office (LTO)-5 sa isang entrapment operation kamakalawa ng gabi sa harap ng regional office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Brgy. Rawis, Legazpi City, Albay.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina LTO enforcer Winston “Eloy” Feliciano Kahulugan, 50, ng Ramos St., Carmel 3, Quezon City; Mark Ryan Celajes Sumulong, 40; ng Levy St., Brgy. Dela Paz, Antipolo City; at Nerio Mancera Loar, 53, ng Brgy. 13, Ilawod West, Legazpi City. Habang tinutugis ang isa pa nilang kasama.
- Latest