MANILA, Philippines — May dala umanong panganib sa kalusugan ng tao ang paggamit ng injectable skin whitening na kalat na sa merkado dahil ito ay walang lisensiya mula sa
Food and Drugs Authority (FDA).
Ayon sa FDA na may “toxic side effects” ang paggamit ng naturang mga produkto sa atay, kidney, at maging sa “nervous system” ng tao at maaari ring magkaroon ng “Stevens-Johnson Syndrome”, isang seryosyong kondisyon sa balat ang magpaturok nito.
Nakakabahala umano na maraming mga negosyante ang nag-aalok ng “intravenous drip o infusion” na may sangkap ng glutathione, vitamin C at iba pang kemikal na pampaputi umano.
Iginiit ng ahensya na wala pang nalathala na “clinical trials” na nagbeberepika sa pagiging epektibo at ligtas sa kalusugan ng mga naturang gamot at wala ring pamantayan sa rami ng tamang “dosage” nito.
Kaya’t ang panawagan ang FDA sa publiko na komunsulta lamang sa mga dermatologists na sertipikado nila ukol sa kondisyon ng kanilang mga balat.