8 Chinese kidnaper, nadakip
Joy Cantos (Pang-masa) - July 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang walong Chinese nationals sa kanilang pagdukot sa dalawa nilang kalahi na nasagip sa rescue operation sa Las Piñas City, kamakailan.

Ang mga nasagip na bihag ay kinilalang sina Liu Chao, 28 anyos at Li San Sheng, 25.

Habang naaresto ang mga suspek na sina Gui Yang; Zhou Xia Long;Wang Wen Tao; Xiong Li; Jiang Fan; Hong Pei Feng; Ly Shao Yong; at Jiang Ying Jiang; pawang empleyado ng Van Gogh Company ng mga online gamers.

Sa ulat, bago nasagip ng mga otoridad nitong Hunyo 29 dakong alas-3:00 ng madaling araw ang mga biktima sa pinagtaguan sa kanila sa No. 4B, Virgo Street, Pamplona Park Subdivision, Brgy. Pamplona 1 ng lungsod ay nakatanggap ng reklamo ang mga otoridad nitong Hunyo 28 tungkol sa pagdukot ng isang grupo ng mga Intsik na nagpakilala sa alyas Tanda /Baho na ipinadala pa sa pamilya at kaibigan ng mga bihag ang video ng mga ito na sinasaktan at minamaltrato.

Nang matukoy ang pinagtataguan sa mga biktima ay agad ikinasa ang rescue operations at nasagip ang mga bihag.

Ang modus operandi ng grupo ay mag-operate ng online gaming website at imonitor ang mga manlalaro na nagwagi ng malaking halaga ng pera na iniimbitahan ng hapunan  kung saan pinangangakuan ang mga itong bibigyan ng trabaho na may malaking suweldo.

Kapag nakipagkita na ang mga biktima ay doon na ito dudukutin, pahihirapan at hihingan ng ransom para sa kanilang kalayaan.

Nahaharap sa kasong kidnapping and serious illegal detention ang mga nasakoteng kidnaper.

CHINESE NATIONALS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with