^

Police Metro

Tinedyer tiklo sa P7-milyon shabu sa hotel

Danilo Garcia - Pang-masa
Tinedyer tiklo sa P7-milyon shabu sa hotel
Iprinisinta sa media ni NCRPO chief Police Major General Guillermo Eleazar ang naarestong suspek at nasamsam ang 1,050 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P7.14 mil­yon sa isang buy-bust operation sa loob ng isang hotel sa kaha­baan ng Rizal Ave­nue, Caloocan City, kahapon.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang 18-anyos na binata sa isang anti-drug operation sa hotel at nasamsam ang nasa mahigit P7 milyong ha-laga ng shabu kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Jaymark Mercene, alyas “Kapre”, residente ng Pasay City.

 Sa ulat, bago nadakip ang suspek dakong ala-1:30 ng madaling araw ng mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ng NCRPO at Caloocan City Police Station sa Room No. 7 ng Marsman Hotel na nasa kanto ng Rizal Avenue at 2nd Street sa Gracepark, Caloocan City ay nakipagtransak­syon ang mga huli sa una na bibili ng isang kilo ng shabu.

Isasagawa ang ang transaksyon sa tapat ng isang gasolinahan sa service road ng Pasay City ngunit biglang binago ng suspek ang lugar at inilipat sa Marsman Hotel sa Caloocan.

Pagdating sa nasabing hotel ay hindi na nakapalag ang suspek nang pasukin ng mga pulis ang tinutuluyan niyang kuwarto nang tanggapin ang marked money buhat sa poseur buyer.

Nakumpiska sa suspek ang 10 plastic tie-knot bags na naglalaman ng tig-100 gramo ng shabu, isang plastic sachet na may lamang 50 gramo ng shabu para sa kabuuang 1,050 gramo ng shabu na may hala-gang P7,140,000 at isang P1,000 marked money na isinama sa boodle money na gina­mit ng mga pulis sa transaksyon.

vuukle comment

JAYMARK MERCENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with