Lalaki inutas habang tumatagay
Mer Layson (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay habang nila­lapatan ng lunas sa ospital ang isang 53-anyos na welder nang ito ay ataduhin ng saksak ng kanyang kapitbahay habang tumatagay sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay na­ki­lalang si Gilbert Cruda, residente ng No. 23 Paquita St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi ay masa­yang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang kaibigan na nakilalang si Oroy Garcia sa harap ng kanyang bahay nang sumulpot ang suspek na si Jeric De Lima at agad na sinaksak sa dibdib at katawan ang una.

Mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman si Cruda sa Novaliches District Hospital na binawian ng buhay dakong ala-1:20 ng madaling araw.

GILBERT CRUDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with