IBP ipapaubaya na sa Senado ang pag-iimbestiga kay ‘Bikoy’
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - May 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni incoming Integrated Bar of the Philippines (IBP) president Atty. Domingo Egon Cayosa na ipapaubaya na nila sa Senado ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga bagong alegasyon ni Peter Joe­mel Advincula o alyas “Bikoy”.

Magugunita na nag-iba na ng mga pahayag si Bikoy at pinasinungali­ngan na sangkot ang pa­­milya ni Pangulong Duterte sa umano’y illegal drug trade at tinukoy si Sen. Antonio Trillanes at ang Liberal Party (LP) na nasa likod umano ng kanyang mga paratang.

Idinagdag pa ni Cayosa na nakasentro ngayon ang IBP sa isinasagawang imbestigasyon sa kaugnay sa kontrobersyal na press conference ni Bikoy sa kanilang tanggapan noong May 6 at tiniyak  na mananagot sa batas ang mga nasa likod ng nabanggit na press conference at ang maaaring parusa laban sa kanila.

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with