Ex-cop, kumare itinumba
Raymund Catindig (Pang-masa) - May 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa namatay noon din sa lugar nang pinangyarihan ang isang retiradong pulis at angkas nitong kumare sa kanyang motorsiklo matapos na sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang gun for hire kamakalawa sa abandonadong bahagi ng highway sa Barangay Surcoc, Naguilian, Isabela.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina dating SPO4 Edralino Domingo, 63, ng Burgos Police Station at natalong kandidato para konsehal sa kanyang bayan ng Aurora; at Jane Tul-o, 45, isang mag-aalahas at hiwalay sa mister nitong pulis na si Camarines Norte Police Director Colonel Godofredo Tul-o.

Bago nangyari ang pamamaril sa dalawang biktima dakong alas-5:00 ng hapon ay hinahatid ni Domingo si Tul-o sa bahay nito sa Brgy. Villaluz sa bayan ng Benito Soliven sakay ng motorsiklo nang paulanan sila ng bala ng mga gunman na sumusunod sa kanila sakay ng puting pick up.

Nang bumulagta ang dalawa ay nilapitan pa ito ng mga suspek at mu­ling pinagbabaril gamit ang armalite at tinangay ang kalibre 45 baril ni Domingo bago tumakas.

GUN FOR HIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with