Guro na-sandwich ng jeep at closed van

Binalutan na ng kumot ang bangkay ng isang guro matapos na masalpok ng isang pampasaherong jeep kahapon ng hapon sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Blvd., Sta Mesa, Maynila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 35-anyos na gurong lalaki matapos na magmistulang palaman ng isang pampasaherong jeep na nawalan ng preno at closed van na nasa kanyang unahan kahapon ng tanghali sa kanto ng Ramon Magsaysay Boulevard at Pureza St. Sta.Mesa, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Bienvenido Luha, guro sa Rosario Almario Elementary School at residente ng J. Marzan St., Sta. Mesa, Maynila habang ang nasugatan si Dennis Palcotilla, 49,ng Magtores St., Bacood, Sta. Mesa, Maynila.

Naaresto ang driver ng jeep na si Fernando Florida na kinasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.

Sa ulat, binabaybay ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Florida ang kahabaan ng Ramon Magsaysay Blvd. nang mawalan ng preno at salpukin ang motorsiklo ni Luha at maipit sa closed van na nasa kanyang una-han na minameho naman ni John Lee Espiritu.

Show comments