8 Chinese inaresto sa pagawaan ng pekeng sigarilyo

MANILA, Philippines — Isang pagawaan ng pekeng sigarilyo sa lalawigan ng Bulacan ang sinakalay ng mga pulis at NBI na kung saan ay nadakip ang walong Chinese national habang 87 manggagawa naman ang nasagip kamakalawa sa Brgy. Patubig, Marilao.

Ang walong naarestong suspek ay pinaniniwalaang mga employers na hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan dahil kailangan pa ng interpreter sanhi ng hindi ang mga ito marunong magsalita ng English.

Ang raid ay isinagawa kamakalawa ng umaga ng Bulacan Provincial Special Operations Group (PSOG), Marilao Police at NBI sa  isang bodega sa loob ng Green Miles Compound, Brgy. Patubig ng lalawigan matapos makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad hinggil sa pagmamanupaktura ng nasabing mga Chinese employers ng mga pekeng sigarilyo.

Show comments