P60 milyong smuggled goods mula Hongkong, nasabat ng customs

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang nasa P60 milyon halaga ng mga smuggled na asukal at paputok sa pantalan ng Subic.

Batay sa ulat, nakatanggap ng impormas­yon si BOC District Collector Maritess Martin hindi idineklara ang dumating na 35X40 containers mula Hong Kong noong Marso 31 at April 7 kaya’t isinailalim sa pagsusuri.

Nabatid na ang 34 containers ay nakapa­nga­lan sa JRFP International Trading at nag­lalaman umano ng floor mats at plastic floor co­verings, subalit nang busisiin ay nadiskubreng 21,760 bags ng Thailand refined sugar at ilang kahon ng firecrackers ng laman ng container.

Iniutos na ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pagbawi sa accreditation ng importer at broker at naglabas din ng warrant of seizure and detention  para sa shipment.

Show comments