Radio commentator patay sa senglot

MANILA, Philippines — Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Francisco Patindol, commentator ng DXJM radio station dahil sa tama ng saksak sa dibdib mula sa isang lasing na lalaki sa Butuan City, kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, ang biktima at isang kasama ay nasa isang photocopying center na matatagpuan sa Narra Road sa Barangay Society Village nang biglang pagsasaksakin ng lasing na suspek na si Macararampat Barapangcat alyas  Ola Saransamen.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pagpatay kung may kaugnay sa kanyang trabaho ang motibo bagama’t nagpahayag na ang misis ng biktima na may mga natatanggap itong death threat.

Show comments