Briton niratrat habang natutulog
Joy Cantos (Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang British national matapos pasukin sa loob ng kanilang tahanan at walang habas na niratrat ng ‘di pa natutukoy na armadong riding-in-tandem habang natutulog sa Calbayog City, Samar nitong Biyernes Santo ng hapon.

Ang pinaslang na biktima ay si Norman Cox, 79-anyos, naninirahan sa Purok 4, Brgy. Maguinoo, Tinambacan District ng lungsod.

Sa ulat, nangyari ang krimen sa loob ng tahanan ni Cox sa nabanggit na lugar dakong ala-1:30 ng hapon.

Bigla na lamang uma­nong dumating sa lugar ang isang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang salarin.

Sa pahayag ng mga testigo walang pasinta-­bing pumasok ang dalawang suspek sa tahanan ng matandang Briton na armado ng hindi pa natutukoy na kalibre ng armas at bigla na lamang nirat­rat ng mga suspek ang walang kalaban-labang matanda na kasalukuyang natutulog.

Isinasailalim pa ng mga otoridad ang motibo ng krimen upang maaresto at mapanagot sa batas ang mga salarin.

BRITISH NATIONAL PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with