4 tulak patay sa buy-bust ops

MANILA, Philippines — Apat na umano ay drug pusher ang napatay ng mga otoridad nang manlaban sa magkahiwalay na drug buy bust operation sa Nueva Ecija at Bulacan.

Sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ay kinilala ang mga nasawi na sina Gil Martinez, alyas ‘Gilbert’ ng Barangay Mayapyap Norte; Ricardo Darodo, alyas ‘Gagal’, ng Barangay San Isidro. Laur, Nueva Ecija; at Joy Lizarondo, alyas ‘Joy’ ng Barangay Mayapyap Sur, Cabana­tuan City nang manlaban umano ang mga ito.

Sa San Jose del Monte, Bulacan ay napatay ang suspek na si Jerry Corpuz, alyas Daga na kabilang sa drug list ng PDEA matapos umanong magtatakbo at manlaban nang matunugan nito na isang pulis ang kanyang katransaksyon.

Narekober sa suspek ang 11 piraso ng small heat sealed plastic sachet ng shabu, 1 cal. 38 revolver, iba’t-ibang shabu paraphernalia at buy-bust money. Omar Padilla

Show comments