Mananalo pa rin si Roxas - Duterte

MANILA, Philippines — Naniniwala si Pangulong Rody Duterte na mananalo si Mar Roxas bilang senador sa paparating na eleksiyon.

Bagama’t makailang ulit nang binira ng Pangulo sa kampanya ng Hugpong ng Pagbabago sa Cagayan de Oro ay sinabi nitong malaki pa rin ang tiyansa ni Roxas na makapasok sa magic 12.

Dahil, ang apelyidong Roxas ang magiging dahilan para iboto pa rin si Mar sa eleksiyon.

Si Roxas na apo ni yumaong dating Pangulong Manuel Roxas ay naging kongresista, naging senador, naitalaga bilang Trade and Industry secretary, DILG chief at kilala sa pagiging ekonomista.

Nagpasalamat naman si Roxas sa pahayag at naniniwala siyang “flavor of the hour” lang siya nito sa tuwing makakahawak ng mikropono

Show comments