Kampo ng BIFF nakubkob ng militar

MANILA, Philippines — Isang malaking kampo ng lokal na mga te­roristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa liblib na lugar ng Brgy. Magaslong, Datu Plang, Maguindanao ang  nakubkob ng tropa ng militar, kamakalawa.

Dito ay natagpuan sa clearing operation ang mga foxholes, running trenches at sniper bunkers sa nasabing kampo na maaaring pagkutaan ng mahigit 20 katao.

Nakuha rin ang mga sangkap sa paggawa ng anti-personnel mines, rifle scope, mga bala, alambre,pako, medical supplies at mga dokumento.

Show comments