Kuliglig sinalpok ng van: 4 patay

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital sina Jaime Infiel, 63; Mila Barbieto, 59; Catalina Cabasi, 57; at Christine Barbieto, 3, pawang taga Brgy. Lalauanan matapos bumangga ang sinasakyan nilang kuliglig kahapon ng umaga sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Liwanag, Tumauini, Isabela.

Sa ulat, alas-9:20 ng umaga ay mabilis na minamaneho ni Michael Cariño, 29, ng Abulug, Cagayan ang kanyang van nang mahagip ang kuliglig na sinasakyan ng mga biktima.

 Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon sa kulig­lig ang mga biktima na minalas pang magulungan ng van.

Show comments