Mayor na nasa drug list ni Duterte, nakalabas ng bansa

MANILA, Philippines — Nakalabas na ng bansa si Sinacaban, Misamis Oriental Mayor Crisinciano Enot Mahilac na kasama sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa droga. Ito ang kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na si Mahilac at ang pamilya nito ay nagtungo sa Singapore. Bagamat sumalang umano sa pagtatanong ng Immigration si Mahilac ay pinayagan din naman itong umalis dahil wala naman silang record na may kaso ito. Hindi naman maaaring pagbatayan ang ‘narco list’ upang pagbawalang makapagbiyahe palabas ng bansa ang isang pulitiko o indibidwal.

Show comments