Mar, target ang mas malawak na ‘cheaper medicine law’

MANILA, Philippines — Kung sakali umanong palarin na makabalik sa senado ay mas palalawakin pa ni dating senador Mar Roxas na maraming gamot ang mapasama sa “cheaper medicine law” tulad ng mga maintenace medicines.

Ayon kay Roxas, bago mamatay sa cancer ang kanyang nakababatang kapatid, inalagaan niya ito ospital kaya personal niyang nalaman ang mataas na presyo ng  mga gamot.

Anya, kung ang mga katulad ng kanyang pamilya na may kakayahang bumili gamot ay nagulat sa mataas na presyo nito ay mas lalo na marahil ang mga pangkaraniwang mamamayan.

Kaya’t muling itutulak ni Roxas na isulong at sikaping maging batas ang Universally Accessible and Cheaper Quality Medicines Law noong 2008 na nagbigay daan sa generic na gamot at mga murang  maintenance medicines.

Ang generic medicines ay dati lamang makikita sa India, subalit naging bahagi na ito ng pharmaceutical industry sa bansa nang isabatas ni Roxas ang pagpapaba sa presyo ng mga gamot.

Show comments