Ronnie Ricketts kulong ng 8 taon sa graft
Gemma Garcia (Pang-masa) - March 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Anim hanggang walong taong pagkakulong ang iginawad na hatol ng Sandiganbayan Fourth Division sa actor at dating  Optical Media Board (OMB) chairman Ronnie Ricketts dahil sa kasong graft bunsod sa hindi umano tamang paghawak sa mga nakum­piskang pirated DVDs at VCDs noong 2010.

 

Bukod sa pagkakulong ay binawalan na rin itong pumasok o hu­mawak ng anumang pwesto sa gobyerno.

Nakasaad pa sa desisyon na pinaboran ng aktor ang Sky High Marketing Corporation  ng makumpiska ng OMB ang tone-toneladang pirated  compact discs sa kanilang gusali sa Quezon City noong Mayo 27, 2010.

Sa nasabi rin araw ay pinakawalan at isinakay sa sasakyan ng kumpanya ang mga nakumpiska sa halip na  magsampa ng kaukulang kaso laban sa kumpanya.

RONNIE RICKETTS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with