^

Police Metro

3 drug pusher napatay

Joy Cantos, Jorge Hallare, Rhoderick Beñez - Pang-masa
3 drug pusher napatay

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na umano ay drug pusher ang napatay sa magkakahiwalay na engkuwentro sa Quezon City, Camarines Sur at Lanao del Norte.

 

Sa Quezon City ay napatay ng mga otoridad ang drug pusher na si Alex Abdul alyas Manila Boy ng Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City nang ito ay manlaban. Habang naaresto ang limang kasama na sina Jenny Lynne Poja, 31; Maria Cristina Barrera, 28; Romeo Santizas, 41; Marissa Cilamor, 30 at Mark Padilla, 20 sa Taguig City sa isang follow-up operation dakong ala-1:27 ng madaling araw at nakumpiska ang mahigit sa P 2 M halaga ng shabu.

Sa Calabanga, Camarines Sur ay napatay ang 29-anyos na si Anthony “Koling” Llenarezas na no. 1 sa provincial drug watchlist matapos puma­lag sa ginawang search warrant operation sa kanyang bahay sa Zone-2A, Brgy. Manguiring.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay bitbit ang search warrant na inilabas ni Judge Pedro Redona ng RTC Branch 63 ng bayan ng Calabanga, sinalakay ng Calabanga Police para sa suspek na tinangkang bumunot ng baril kaya pinutukan ng mga operatiba.

Nakuha sa bahay ng suspek ang isang improvised ‘Boga’, replica ng kalibre 45, isang kalibre 45 baril at mga bala, 42-na malalaki at maliliit na sachet ng shabu na may market value na P200,000.00 at mga drug paraphernalia.

Sa Brgy. Pugaan, Ditsaan, Ramain, Lanao del Sur ay napatay ang drug suspek na miyembro ng Maute terror group na si Mamintal Manan nang pagbabarilin ang mga otoridad na sumalakay sa kanyang hideout kamakalawa ng alas-4:00 ng madaling araw.

vuukle comment

DRUG PUSHER

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with