Tserman utas sa nakamotor

MANILA, Philippines — Isang barangay chairman ang pinagbabaril ng isang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng madaling araw sa Bulaong Avenue, Brgy. Dadiangas North, General Santos City.

 

Nasawi noon din ang biktimang si Arman Mejia, nasa hustong gulang, barangay chairman ng nasabing lugar dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan at ulo.

Sa ulat, dakong alas-12:00 ng madaling araw kahapon ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at binabagtas ang nasabing lugar nang sundan ng suspek na sakay din ng motorsiklo. Nang makalapit ang suspek sa biktima ay agad na ito ay pinagbabaril.

Show comments