^

Police Metro

Opisyal ng PNP-Maritime inaresto sa kotong

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumagsak sa entraptment operation ng mga operatiba ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) ang isang police colonel dahil sa umano’y pangongotong sa mga operator ng bangka at samahan ng mga mangingisda sa Tanza, Cavite kahapon ng umaga.

 

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Supt. Arman- dy Dimabuyo, Chief ng 402nd Cavite Maritime Police Station na nakabase sa Brgy. Julugan V sa bayan ng Tanza na agad namang sinibak sa puwesto ni PNP Ma­ritime Group Director P/Chief Supt. Rodelio Jocson ang lahat ng PNP personnels ng Cavite Maritime Station at ipinalit dito ang Special Operations Unit ng Maritime Group sa pamumuno ni Supt. Gaylord Tamayo.

Ayon sa natanggap ni PNP-CITF Commander P/Sr. Supt. Romeo Caramat Jr., bago naaresto ang suspek na si Supt. Dimabuyo, bandang alas-7:00 ng umaga ay nagsagawa ng entrapment operation ang kanyang mga tauhan matapos silang makatanggap ng report mula sa mga may-ari ng bangkang de motor hinggil sa umano’y pangongotong ng P19,000 hanggang P21,000 kada buwan ng suspek sa Fishermen Association.

Habang tinanggap ni Supt. Dimabuyo ang P18,000 mula sa mga binibiktima nitong samahan ng mga mangingisda ay dito na siya dinakip.

vuukle comment

COUNTER FLOW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with