Sulu encounter:2 Abu patay

Ayon kay Col. Gerry Besana, Spokesman ng AFP Western Mindanao Commmand bago nangyari ang sagupaan dakong alas – 11:00 ng umaga sa Sitio Tubig Amo, Brgy. Tanum, Patikul, Sulu ay kasalukuyang nagsasagawa ng combat operation ang mga elemento ng Army’s 41st Infantry Battalion (IB) nang makasagupa ang tinatayang nasa 8 Abu Sayyaf sa nasabing lugar.
File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) habang dalawa pa ang nasugatan nang makasagupa ang tropa ng militar kahapon ng umaga sa lalawigan ng Sulu.

Ayon kay Col. Gerry Besana, Spokesman ng AFP Western Mindanao Commmand bago nangyari ang sagupaan dakong alas – 11:00 ng umaga sa Sitio Tubig Amo, Brgy. Tanum, Patikul, Sulu ay kasalukuyang nagsasagawa ng combat operation ang mga elemento ng Army’s 41st Infantry Battalion (IB) nang makasagupa ang tinatayang nasa 8 Abu Sayyaf sa nasabing lugar.

Agad nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng dalawang bandido habang dalawa pa ang nasugatan.

Show comments