Sundalo, 4 Sayyaf patay sa engkuwentro

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang sundalo at apat na mi­yembro ng Abu Say­yaf Group (ASG) habang tatlo ang sugatan sa hanay ng militar at lima sa mga kalaban sa muling pagsiklab ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at ng bandidong grupo sa Patikul, Sulu kamakalawa .

Sa report ni Brig. Gen. Divino Rey Pabayo, Commander ng Joint Task Force (JTF) Sulu, dalawa sa mga bandido ay dead-on-the-spot habang dalawa pa ang namatay sa pagkaubos ng dugo.

Samantalang lima pa sa mga bandido ang nasugatan na binitbit ng mga nagsitakas nilang mga kasamahan.

Pansamantala munang hindi pinangalanan ang nasawing sundalo.

Ang mga sugatan na sina Sgt. Allan Bambibo Caday at Sgt. Wilfredo Flores ay nakalabas na matapos malapatan ng paunang lunas sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital na mabuti na lamang at bahagyang sugat lamang ang tinamo sa katawan habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isa pa sa mga nasugatan nilang kasamahan.

Show comments