Kandidatong mayor nakaligtas sa pagsabog
Joy Cantos (Pang-masa) - February 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Datu Ali Midtimbang Sr., kandidatong alkalde ng Talayan sa naganap na roadside bombing kahapon ng tanghali sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Tambunan 1, Talayan, Maguindanao.

Batay sa ulat, dakong alas-11:45 ng tanghali nang maganap ang insidente sa highway ng Sitio Nes, Brgy. Tambunan 1 ng  bayang ito.

Bago ito ay dalawang lalaki na lulan ng magkahiwalay na motorsiklo na patungong Isulan, Sultan Kudarat ang dumating sa naturang lugar at ipinarada ang isa sa motorsiklo sa tabi ng highway at nagpanggap na bibili ng prutas sa isang makeshift store at magkaangkas na sumakay sa motorsiklo at humarurot.

Ilang saglit pa habang dumaraan ang convoy ni Midtimbang Sr. , nang big­lang sumabog ang bomba may ilang metro lamang ang layo sa mga ito.

ROADSIDE BOMBING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with