Tinukoy naman ni AFP- Western Mindanao Command (AFP-Westmincom) Spokesman Col. Gerry Besana na ang grupo ng Ajang-ajang terror group na kaalyado ng mga ekstremistang Abu Sayyaf ang nasa likod ng madugong pambobomba sa nasabing simbahan na itinaon pa sa araw ng misa.
Total lockdown sa Jolo
Joy Cantos (Pang-masa) - January 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa “total lockdown” ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang buong Jolo, Sulu matapos ang magkasunod na pagsabog sa loob at labas ng Our Lady of Mt. Carmel noong Linggo ng umaga na ikinasawi ng 20 katao at pagkasugat ng 112 iba pa.

“I have directed our troops to heighten their alert level, secure all places of worships  and public places at once, and initiate pro-active security measures to thwart hostile plans”, mariing direktiba ni Lorenzana sa tropa ng militar.

Tinukoy naman ni AFP- Western Mindanao Command (AFP-Westmincom) Spokesman Col. Gerry Besana na ang grupo ng Ajang-ajang terror group na kaalyado ng mga ekstremistang Abu Sayyaf ang nasa likod ng madugong pambobomba sa nasabing simbahan na itinaon pa sa araw ng misa.

Anim na persons of interest ang natukoy sa CCTV na posibleng may kinalaman sa pambo­bomba matapos makita na kahina-hinalang tumatakas sa blast site.

Nabatid pa sa opisyal na Agosto pa lamang ng nakalipas na taon ay may natanggap ng intelligence report na magpapasabog ang teroristang grupo.

Tinukoy naman na kapatid ng isa sa mga lider ng Abu Sayyaf na isang alyas Kamah, kapatid ng lider ng Abu Sayyaf Commander Surakah Ingog ang isa sa naispatan sa CCTV at ang grupo ng Ajang Ajang na kaalyado ng mga ekremistang Abu Sayyaf Group ang nasa likod ng pagpapasabog.

Ang grupo ay sangkot din sa pagpatay sa mga law enforcers partikular na sa mga sundalo at pulis sa Sulu at maging sa iba pang uri ng paghahasik ng terorismo tulad ng kidnapping for ransom at pambobomba.

Ipinag-utos din ng PNP ang “total lockdown” sa buong Jolo, ang kapitolyo ng lalawigan kung saan sarado muna ang mga tindahan at iba pang mga establisyemento habang isinasagawa pa ang masusing im­bestigasyon hanggang sa magbalik sa normal ang sitwasyon ng seguridad sa lugar.

DELFIN LORENZANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with