3 pulis Navotas sinibak sa droga

MANILA, Philippines — Dahil sa wala umanong ginagawang aksiyon para mapigilan ang paggamit ng sindikato ng droga sa mga bata sa lugar na kanilang nasasakupan ay sinibak sa puwesto ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang tatlong pulis Navotas kabilang ang commander ng Police Community Precint (PCP).

Ang mga sinibak ay sina Inspector Resty Descalzo, PCP 3 Commander, PO3 Randy Belly at PO1 Jejomar Padasas ng Navotas City Police Station Intelligence Branch.

Ayon kay Albayalde hindi katanggap-tanggap na hindi man lamang namonitor ng nasabing mga pulis ang talamak na paggamit ng drug syndicate sa mga bata na ginagawa ng mga itong drug courier upang makalibre sa pag-aresto ng mga otoridad.

Ang nasabing mga pulis ay sasailalim sa imbestigasyon kaugnay ng pananagutan ng mga ito sa kaso ng mga batang drug courier.

Show comments