Nilinaw ni House Committee on Justice Rep. Salvador Leachon na ang pagbabago mula sa naunang 9 na taong gulang at ginawang 12 taong gulang ay dahil napagkasunduan ito ng lahat ng miyembro ng Kamara.
The STAR/Miguel de Guzman, File
Kamara ginawang 12-anyos ang age of criminal liability mula sa dating 9-anyos
Gemma Garcia (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila nang mahigpit na pagtutol ng mula opposition lawmakers at children’s rights groups ay inaprubahan ng House of Representatives ang 2nd reading ng panukalang batas na nagbaba sa age of criminal responsibility sa 12-anyos sa kasalukuyang 15-anyos.

Nilinaw ni House Committee on Justice Rep. Salvador Leachon na ang pagbabago mula sa naunang 9 na taong gulang at ginawang 12 taong gulang ay dahil napagkasunduan ito ng lahat ng miyembro ng Kamara.

Paliwanag pa ni Leachon na inisa-isa niyang kinausap ang mga kasama kung ano talaga ang edad na nais nila at ang 12-anyos ang napagkasunduan ng lahat.

Sa Ilalim ng panukala hindi ikukulong ang mga bata at ihahalo sa mga kriminal na nasa ordinaryong kulungan.

Ang mga batang na­kagawa ng krimen tulad ng murder, parricide, infanticide, carnapping, kidnapping, rape with homicide at paglaag sa Dangerous drugs Act ang tanging isasailalim sa rehabilitasyon at confinement sa Bahay Pagasa o sa Agricultural camp training center.
Itinatakda naman ang anim na buwang pagkakakulong laban sa mga magulang na hindi sasailalim sa mandatory program.

CRIMINAL LIABILITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with