13 lugar sa VisMin nasa signal 1 ni ‘Amang’

MANILA, Philippines — Itinaas ng PAGASA sa signal no.1 ang mga nasa Visayas tulad ng Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Eastern Bohol at  Northern Cebu.

Habang sa Mindanao naman ay sa Agusan del Sur, Agusan, del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands at Camiguin.

Nagpaalala ang PAGASA na maaaring makaranas ng moderate to heavy rain ang Caraga, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Davao Oriental, Compostela Valley, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Northern Negros Provinces, Northern Cebu, at Bohol.

Pinayuhan din ang mga nasabing lugar na mag-ingat sa posibleng pagbaha at mga landslides habang pinagbabawalan naman ang mga maliliit na sasakyang pandagat na pumalaot sa mga lugar na nasa ilalim ng signal no.1.

Show comments