^

Police Metro

Rider tepok sa poste

Danilo Garcia - Pang-masa
Rider tepok sa poste
Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong ala-3:15 ng hapon ay mabilis na binabagtas ng biktima sakay ng kanyang raider type na motorsiklo ang kahabaan ng C-5 extension nang mawalan ng kontrol at diretsong sumalpok sa kongkretong poste ng Meralco sa gilid.
File

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang 38-anyos na lalaki matapos na sumalpok sa poste ang minamaneho niyang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa C-5 Extension, Pasay City.

Ang nasawi ay kinilalang si Crispin Dotimas Ramis, 38, ng No. 911 Marinduque Street, Brgy. Pitogo Guadalupe, Makati City.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong ala-3:15 ng hapon ay mabilis na binabagtas ng biktima sakay ng kanyang raider type na motorsiklo ang kahabaan ng C-5 extension nang mawalan ng kontrol at diretsong sumalpok sa kongkretong poste ng Meralco sa gilid.

Ang biktima ay sinaklolohan ng mga nakakita sa pangyayari at dinala sa Parañaque Doctor’s Hospital ngunit nalagutan din ng buhay dakong alas-7:58 ng gabi dahil sa pinsala sa kanyang ulo.

vuukle comment

CRISPIN DOTIMAS RAMIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with