Duterte dadalo sa turn over ng Balangiga bells

Pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Eastern Samar para sa pag-turn over ng mga Amerikano sa Balangiga bells sa local government at hindi siya dadalo sa misa ng Simbahang Katolika.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa Eastern Samar para sa pag-turn over ng mga Amerikano sa Balangiga bells sa local government at hindi siya dadalo sa misa ng Simbahang Katolika.

Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa pagdalo niya sa birthday celebration ni dating Sen. Manny Villar sa Las Piñas City at ang local government officials na ang magbibigay ng mga kampana sa Simbahan o Parokya ng Balangiga saka gagawin ang misa bilang selebrasyon.

Inihayag ni Pangulong Duterte na ayaw niyang makinig ng misa ng mga Katoliko dahil hindi siya naniniwala sa sinasabi ng mga pari at obispo.

Muli rin nitong binatikos ang mga pari at obispo dahil umano sa pagiging ipokrito at muling inulit na nasa 85 percent ng mga paring Katoliko ay mga bakla.

Magugunita na ilang pangulo ng bansa ang nagtangkang bawiin ang nasabing mga kampana mula sa Estados Unidos subalit tanging si Pangulong Duterte lamang ang nagtagumpay sa pagbawi nito nang kanya itong sinabi sa ikalawang SONA noong Hulyo 17 kung saan ay audience noon si US Ambassador to the Philippines Sung Kim.

Show comments