Sobra sa 15 taong serbisyo ni Joy Belmonte sa Quezon City

MANILA, Philippines — Good governance sa local legislative system ang unang repormang naipatupad ni QC Vice Mayor Joy Belmonte mula nang maupong bise alkalde ng QC noong 2010.

 

Agad winasiwas ang kontrobersiyal na “ghost employees at ghost projects” at pangangalaga at pagpapahalaga sa karapatang pantao sa lahat ng sektor laluna sa hanay ng mga kababaihan, kabataan, solo parents, may kapansanan, senor citizen at LGBT.

Sa loob ng tatlong termino bilang Bise Alkalde  ng QC, palagiang inuuna niya  ang kapakanan ng kanyang mga kababayan sa lunsod. Ilan sa mga repormang nagawa ni Belmonte  sa local legislative system ay ang pagsugpo sa korapsiyon at mga iregularidad gamit ang teknolohiya, nai promote niya ang pagkakaroon ng transparency para sa interes ng mga taga QC, pagkakaroon ng online access ng mamamayan sa lahat ng batas na naipasa ng QC Council para higit na malaman ng mga taga lunsod ang mga batas na dapat sundin ng mamamayan at pagbibigay ng karapatan sa publiko para makiisa sa policy making process sa lunsod.

Nang pamunuan ang QC Anti Drug Abuse and Advisory Council (QCDAAC), tinulu­ngan niyang magbago ang mga naliligaw ng landas.Tinulungan niya ang mga  drug dependent na makapagbagumbuhay, may mga ipinairal na interventions at iba pang mga programa  na ginamit na modelo ng DILG sa buong bansa. Mayroon ding conselling, sports at iba pang mga programa na laan sa mga drug surrendeerees. Ang QC Drug Treatment and Rehabilitation center-Tahanan na pinangasiwaan ni Belmonte ang kumakanlong ngayon sa may 300 drug dependents na nais magbagumbuhay.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa ating bansa, nagpatayo si Belmonte ng One-Stop-Shop protection centers for Gender-based Violence and Abuse na kakalinga sa mga naabusong mga kabataan, kababaihan at LGBT members, nagtayo rin ng Kabahagi Center para sa mga kabataan na may kapansanan na nagkakaloob ng libreng assessment at diagnostics gayundin ng theraphy at iba pang serbisyo na laan sa mga batang may kapansanan, pagkakaroon ng Community College System na laan para sa mga out-of-school youth at drop outs para turuan ng academics.tech-voc education at skills trai­ning.

Mayroon ding 166 urban farms sa QC sa ilalim ng naipatupad nitong Urban farming program na pinagkukunan ng mga gulay ng mga taga lunsod para sa masustasyang pagkain ng pamilya at mabawasan ang gastusin,  naglalaan naman ng scholarships ang QC Performing Arts Foundation para sa mga talented na mahihirap na taga lunsod.

Pinangunahan din ni Belmonte ang QC International Film Festical o QCinema na isa sa pinaka kinikilalang film festival sa QC.

Bukod sa livelihood trainings na naipagkakaloob ng tanggapan ni Belmonte sa mga taga QC tulad ng candy ma­king, home bread making, meat processing,jewelry ma­king, rug making at iba pa, patuloy ding nagbebenepisyo ang mga taga QC sa Health and Wellness project ni Belmonte na nagkakaloob ng libreng Eye screening, libreng cataract ope­ration, operation bingot, anti-rabbies vaccination, free pap smear at breast exam at bloodletting gayundin patuloy ang pagkakaroon  ng Sagip Buhay Medical assistance, burial assistance, Free late registration, Ched Scholarship program, Free Tesda Skills training at Champs for Joy para humilig ang mga kabataan sa Sports at makaiwas sa anumang bisyo.

Mayroon ding 1,000 single parents ang nabiyayaan ng Tindahan ni Ate Joy na nagkakaloob ng P10,000 halaga ng  sari sari store items tulad ng bigas, de latang pagkain at iba pa  para magsimulang magnegosyo at kumita para may panggastos para sa pamilya.

Sa mga batas na naaaprubahan ng QC Council, tinitiyak ni Belmonte na ang lahat ng ito ay masusing pinag aralan,binusisi ng husto at may public consultation, patas at balans, may mga ebedensiya at data higit na pakikinabangan ng mga taga QC.

Ilan sa mahahalagang batas na pinangunahan niyang maipasa ay ang Childrens code, Environment code, gender fair ordinance, Tourism districts, Micro and small business enterprise ordinance, Investment Incentives Code, Tricycle Management code, Revised Veterinary Code, Revised fair market value, revised market code, Barangay seal of Good Housekeeping, road safety ordinance, Responsible gambling ordinance, Urban design code, BHW ordinance, protection center ordinance, House rental registry at drug related ordinance.

Sa mga huling pa­nahon ni Belmonte sa konseho, plano niyang isentro ang internal gover­nance para mapahusay ang revenue gene­ration at matiyak na maayos at epektibo ang serbisyong naipagkakaloob sa lahat ng sektor ng mamamayan ng lunsod.

Ilan sa mga plano ni Belmonte ang pagkakaroon ng baseline data para sa lahat ng sektor para sa mabilis na pag aksiyon sa pangangaila­ngan ng mamamayan at matiyak na sapat ang serbisyong natatanggap ng mamamayan mula sa lokal na pamahalaan, pag decentralized sa pagkakaloob ng serbisyo sa mga taga lunsod para lahat ay nakikinabang at nagbebenepisyo sa programa ng lunsod, pagpapalakas sa mga barangay sa pamamagitan ng pag decentralized sa ilang serbisyo, pag uugnay ugnay ng data base ng lunsod sa isang Central Database gamit ang makabagong uri ng teknolohiya upang matiyak na  tama ang mga data na naipagkakaloob sa mga barangay, safeguard sa lahat ng revenue generating offices laban sa korapsiyon gamit ang teknolohiya at mabawasan ang face to face intereaction, pagkakaroon ng kaaya-ayang karanasan sa pakikipag transaksiyon sa QC, pagkakaroon ng sopistikadong tracking system para maipairal ang first come first serve basis at ang pagkakaroon ng mahusay na performance assestment tool para ang mga nagtatrabaho ng tama ay kikilalanin at bibigyan ng insentibo.

“Good housekee­ping is the pre-requisite to ensuring that all our dreams and aspirations for our city come true” sabi pa ni Belmonte.

Kung mabigyan ng pagkakataon na maging susunod na Alkalde ng QC, sinabi ni Belmonte na sa loob ng tatlong taon, ang mamamayan ng QC ay mamumuhay sa isang best manage city sa bansa, may disenteng pagkukunan ng pagkakakitaan, may maayos na tahanan na malayo sa mapanganib na lugar at magkakaroon ng mahusay na health care at edukasyon, libre sa baha at masikip na daloy ng trapiko sa pamamagitan ng pagkakaroon ng traffic management techno­logy at kumprehensibong flood control program.

Bababa rin anya ang krimen at magiging drug free ang QC at magkakaroon ng isang model restorative justice system sa QC  at magiging isa sa may pinaka mahusay na disaster prepared at res­ponsive cities sa bansa.

Sa loob ng limang taon, ang QC ay magkakaroon ng magandang tourism destinations at lugar para sa isang malikhain para sa isang di­gital economy. Magiging sentro rin ang QC para sa Science at technology at isang lugar na masasabi ng mga kabataan na nais nilang matirhan at matawag na kanilang tahanan, Magkakaroon din ang QC ng isang globally competitive sports arena at iba’t-ibang publis sports facilities gayundin ay magkakaroon ng theater district upang maipamalas ang kultura at sining,isang modern waste-to-energy facilities at state-of-the art telecommunications infrastructure na magpapabilis sa pagsulong ng ekonomiya ng QC. Magkakaroon din ng isang modernong train system mula sa airport sa Bulacan papuntang QC at iba’t-ibang recrea­tional facilities para sa lahat ng sektor ng lipunan.

Sa loob ng 10 taon, ang QC ay kikilalanin ng mga international experts bilang isa sa mga mahusay na lunsod sa buong mundo.

“I want to prove that even if people like me area few, there are still public servants out there who arent in it for the money and the status but just simply what to be instruments of Gods transformative power in the world we live in”, wika ni Belmonte.

Sa pangunguna ni Belmonte sa QC Council, tumanggap ng pagkilala ang konseho ng ilang Most Outstanding Sangguniang Panlunsod sa NCR para sa taong 2010 hanggang 2013 at mula 2013 hanggang 2016. Kinilala  rin si Belmonte bilang “Pinakamahusay na Pangalawang Punong Panlunsod at sa ilalim ng kanyang panunungkulan, kinilala ang QC ng ibang lokalidad sa Pilipinas bilang isang benchmark sa policy making. Kinilala rin siya bilang isang Breast­feeding champion ng DOH at World Vision Development Foundation.

Tumanggap din si Belmonte ng iba’t ibang mga parangal mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga samahan  na ilan ay mula sa Phil Heart Center-Blood Bank Division, Social Security System, Lung Center of the Philip­pines, Office of the President-Dangerous Drugs Board, PNP-QC Police dahil sa nata­tanging pagseserbisyo sa mamamayan ng QC.

 

Show comments