Noche buena items pineke ang expiration date

MANILA, Philippines — Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Food and Drug Administration (FDA) at National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mahigit P30,000 halaga ng mga noche buena items na pineke ang expiration date.

Kabilang sa mga nakumpiska sa tatlong tindahan sa kahabaan ng Villalobos St., kanto ng Carlos Palanca sa Quiapo ay ang keso de bola, spaghetti sauce, keso, ketchup, margarine at iba pa.

Sinabi ng FDA na malapit nang ma-expire ang mga naturang produkto kaya’t pineke at nilagyan ng panibagong expiration date ang mga panindang handa sa Pasko.

Kaya’t pinaalalahanan ng Food and Drug Admi­nistration (FDA) ang mga mamimili na mapanuri sa mga bibilhin na mga noche buena products.

Show comments