^

Police Metro

3 pekeng PDEA agents, tiklo sa buy-bust

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng tatlong nagpakila­lang mga ahente ng PDEA ngunit mga notoryus na ‘tulak’ pala ng shabu matapos mabitag sa buy-bust operation na inilatag ng tunay na mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency kasama ang mga pulis, tauhan ng Phi­lippine Army at NBI sa Brgy. Francisco sa Naga City, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi.

 

Mismong ang dala pang mga posas ang siyang ipinosas sa mga suspek na nakilalang sina Anthony Bryan Pereira, Celso Sevilla Jr at Joselito Ledesma, pawang residente ng Villa Corazon Subdivision.

 

Sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi, magkatuwang na inilatag ng Naga City Police Drug Enforcement Unit, NBI, 9th Infantry Division ng Philippine Army at PDEA ang buy bust operation laban sa tatlong suspek na nagpapakilala sa lugar na mga ahente ng PDEA.

Nakamotorsiklo ang tatlong suspek nang makipag-transaksyon sa tulong ng PDEA agent na umaktong poseur buyer.

Nang i-abot ang droga ay agad dinakma ang mga suspek ng mga operatiba.

Nakuha sa mga suspek ang limang sachet ng shabu na tumitimbang nang 50-gramo, posas at iba pang mga drug paraphernalia.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with