^

Police Metro

Tinadtad ng taga, nirapido ng bala… 3 lumad kinatay sa Agusan

Mer Layson, Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng tatlong katutubo na mula sa tribong Higaunon at Dagatnon nang matapos silang tadtarin ng taga ay saka pinagbabaril pa ng mga hinihinalang mi­yembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na nag-o-operate sa area ng Buenavista, sa Agusan del Norte, nabatid kahapon.

 

Kaagad namang ipinag-utos ni Caraga Police Director, P/Chief Supt. Gilberto Cruz sa Buenavista Municipal Police Station ang pagsasagawa ng malalimang pagsisiyasat sa kaso ng pagpatay sa mga biktimang sina Alfredo Tomaquin Sr, 61; Paka Pinatugaw, 47; at Pina Pinatugaw, 48, pawang lalaki, mga magsasaka at residente ng  Sitio Bagang, Brgy. Simbalan, Buenavista, Agusan del Norte.

Sa ulat ng pu­lisya, natuklasang noong Nobyembre 6, 2018 ay nagtungo ang mga biktima sa bukirin ng Koreanong si Wang Gew Ryoo, sa Sitio Labong, Brgy. Simbalan, ngunit hindi na sila nakauwi kinagabihan.

Laking paghihinagpis naman ng mga kaanak nito nang madiskubre na lamang ang kanilang mga bangkay na tadtad ng taga at mga tama ng bala ng M16 rifle kinabukasan, ng anak ni Alfredo na si Danilo Tomaquin.

Mariin namang kinukondena ng pulisya ang naganap sa mga biktima at tiniyak na gagawin nila ang lahat upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga ito

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with