Mister lasog sa kaladkad ng tren

MANILA, Philippines — Isang 56-anyos na mister ang nasawi matapos salpukin at makaladkad ng isang tren ng Philippine National Railway (PNR) habang tumatawid sa istasyon sa Muntinlupa City.

 

Nakilala ang nasawi na si Vidal Pagkalinawan Montecalvo, ng Wawa Compound, Brgy. Alabang ng naturang lungsod.

Tumanggi naman ang pamunuan ng PNR na banggitin ang pangalan ng suspek na siyang operator ng train na may body number 917, na nakasagasa sa biktima.

Lumalabas sa report ng Southern Police District (SPD), naganap ang insidente alas-9:00 ng umaga sa PNR Station, Montillano St., Brgy. Alabang, Muntinlupa City.

Papatawid ang biktima at hindi nito namalayan ang paparating na train, dahilan upang masagasaan ito.

Show comments