Grade 10 rider tepok sa trak

MANILA, Philippines — Hindi na makakatungtong ng senior high school ang isang grade 10 student matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na trailer truck sa Brgy. Soyung, Echague, Isabela, kahapon.

 

Sa report ng pulisya pauwi sa bayan ng San Isidro ang 16-anyos na si Clint Jefferson Herbacio nang makasalpukan nito ang kasalubong na trak na minamaneho ni Marcelo Cruz, 64 na taga-Norzagaray, Bulacan dakong alas-3:30 ng madaling araw.

Pininiwalaang naantok ang biktima sanhi upang salubungin nito ang trak na agad nitong ikinamatay.

Agad namang dinakip ng mga otoridad ang senior citizen na drayber ng trak matapos ang insidente.

Show comments