^

Police Metro

Shootout: 4 karnaper utas

Joy Cantos, Doris Franche - Pang-masa
Shootout: 4 karnaper utas
Sa Quezon City, inilarawan ang isang napatay na nasa pagitan ng 30-35 ang edad, medium built, at armado ng kalibre 45 baril. Habang ang isa ay nasa pagitan ng 25-30 ang edad, medium built din at armado ng kalibre 38 baril.
File

MANILA, Philippines — Apat na karnaper na holdaper ang nasawi sa magkahiwalay na shootout sa Quezon City at Maynila, kahapon.

 

Sa Quezon City, inilarawan ang isang napatay na nasa pagitan ng 30-35 ang edad, medium built, at armado ng kalibre 45 baril. Habang ang isa ay nasa pagitan ng 25-30 ang edad, medium built din at armado ng kalibre 38 baril.

Bago nangyari ang shootout dakong ala-1:35 ng madaling araw sa kahabaan ng Midway Street, Brgy. Gulod Foresthills ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya dakong alas-11:50 ng gabi ang kahinahinalang presensya ng dalawang nakamotorsiklong  lalaki na gumagala sa lugar.

Dito ay nagresponde ang mga otoridad at nang akmang sisitahin ang mga suspect ay tumakas ang mga ito kaya’t hinabol.

Nang malapit ng makorner ay  pinaputukan ng dalawang suspek ang mga pulis nauwi sa shootout  at napatay ang mga ito.

Nabatid na ang dalawang napatay na suspek ay responsable sa mga holdapan at nakawan ng motorsiklo sa Novaliches.

Sa Tondo, Maynila ay napatay din ang dalawang karnaper ng motorsiklo nang makipagbarilan sa mga pulis na sisita sa kanila kahapon ng alas-3:50 ng hapon.

Inilarawan ang isa  na nasa edad 20-25, may taas 5’4”, may tattoo na ­“Everything for a reason” sa dibdib at “Raul” sa kanang braso, nakasuot ng maroon  na short pants at berdeng t-shirt. Habang ang ikalawa ay nasa edad 25-30, may taas 5’4”-5’7”, nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt at checkered na short pants.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout sa isang checkpoint sa panulukan ng Road 10 at Scarbo­rough, Tondo ay pinara at sinita ng mga pulis ang dalawang suspek dahil sa tinangay nilang  kulay puti at asul  na Jaing Well 125 na motor  na pag-aari ni Marhorie Munoz, 19  ng  1283 Tambunting St., Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na nagreklamo sa MPD- Station 1 ang biktima dahil sa puwersahang inagaw ng mga suspek ang kanyang motorsiklo dakong alas 3:20 ng mada­ling araw sa may H. Lopez  Boulevard, Balut, Tondo.

Nagsagawa ng checkpoint ang pulisya sa may R-10 Balut,  Tondo at ilang sandali ay namataan ang dalawang suspek na nakasakay sa dalawang motorsiklo na ang isa ay pag-aari ng biktima.

Nag-counter flow ang mga suspek dahilan para habulin sila ng mga  pulis  at nang malapit ng makorner ay nagpaputok ang mga ito dahilan para gumanti ng mga putok ang mga pulis at napatay ang dalawang suspek.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with