Cotabato City lady mayor pinadidiskwalipika ang 4K botante

MANILA, Philippines — Nagsampa ng petisyon ang mga barangay captains ng Cotabato City sa local na tanggapan ng Comelec upang hilingin na alisin sa voter’s list ang nasa 4,000 botante na hindi naman umano rehistrado ng lungsod.

Ang nasabing petisyon ay pakana umano ni Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi dahil ang nasabing pagdiskwalipika sa 4,000 botante ay sumusuporta sa Bangsamoro Organic Law (BOL) at para umano walisin ang kanyang mga kalaban sa pulitika.

Ilan sa pinadidis­kwalipika sa voter’s list ay sina da­ting chairman ng Bangsa­moro Transition Commission (BTC) at ngayon ay chair ng MILF Implementing Panel Mohagher Iqbal, Cotabato City Congresswoman at BOL champion Bai Sandra Sema na nagsusulong ng BOL.

Ang pagkilos ng mga opisyal ng barangay ay pinaniniwalaang may kumpas ni Mayor Sayadi, na matagal nang humahadlang at tumutuligsa sa BOL at sa pagsama sa Cotabato City bilang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao (BARMM).

Show comments