^

Police Metro

Lady trader, helper pinatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 74-anyos na lady trader at kanyang 52-an­yos na helper ang nasawi nang sila ay pagsasaksakin ng isang estudyante na pumasok at nagnakaw sa kanilang tindahan kamakalawa sa Brgy. San Antonio, Molo District, Iloilo City.

Ang mga nasawi dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan ay kinilalang sina Teresita Tagriza, storeowner at helper nitong si Remedios Malaga.

Agad na nadakip ang suspek na si Rene Diocos, 22, ng Alimodian, Iloilo, Electrical Technology student sa Iloilo Science and Technology University.

Bago nangyari ang krimen dakong alas-8:30 ng umaga ay bigla na lamang pinasok ni Diocos ang tindahan ni Tagriza na agad nitong pinagsasaksak saka isinunod ang nasabing helper na kasalukuyang naglalaba.

Habang sugatan naman ang anak nitong si Julie Ann, 35, na tinamaan ng saksak sa balikat nang madaanan ng suspek habang papatakas dala ang mga kinulimbat na pera at iba pa sa tindahan.

Naaresto naman ng mga nagrespondeng otoridad ang suspek na may tama ng saksak sa kamay matapos na manlaban ang helper.

Ang suspek ay kinasuhan ng double murder at frustrated murder.

vuukle comment

TINAMONG SAKSAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with