^

Police Metro

Bong Go tuloy na sa senado

Rudy Andal - Pang-masa
Bong Go tuloy na sa senado
Itinaas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kamay ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go bilang suporta sa kandidatura nito sa Senado nang isumite kahapon ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections.

Nag-file ng COC kasama si Pangulong Duterte...

MANILA, Philippines — Personal na sinamahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) si Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go kung saan ay mainit na sinalubong siya ng kanyang mga supporters at kaibigan na humimok dito.

Ayon kay Go, naging mahirap para sa kanya ang pagpapasya kung saan ilang panahon niya itong ipinagdasal at pinag-aralan.

Kahapon, nagdasal muna sa San Miguel Church sa Malacañang complex si Go upang hu­mingi ng divine guidance bago siya nakipag-usap kay Pangulong Duterte upang humingi ng ‘basbas’ nito bago nagsumite ng kanyang COC.

Bukod kay Pangulong Duterte, naroroon din upang magpakita ng suporta ang ilang miyembro ng gabinete sa pangunguna ni Executive Secretary Salvador Medialdea, PCOO Sec. Martin Andanar, National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Itinaas pa ni Pangulong Duterte ang kamay ni Go nang humarap sa media upang ipakita ang isinumite nitong COC.

Sinabi ni Go na matimbang sa kanya ang pagbibigay ng serbisyo publiko lalo’t alam niyang marami ang nangangaila­ngan ng tulong partikular ang mga mahihirap.

Matatandaan na ilang buwan ding tinimbang ni Go ang pagkandidato bunsod ng patuloy na pagdami ng mga grupong sumusuporta at naniniwala sa kanyang kakayanan na maging isang senador ng bansa.

Hanggang sa huli ay patuloy sa pagdami ng mga grupong gusto siyang kumandidato kung saan umabot pa sa puntong nakiusap si Go sa mga ito na sa halip na ipampagawa ng tarpaulin ay ibili na lamang ng mga pagkain at gamit na maaaring itulong sa mga mas nangangailangan.

Ilan lamang sa mga tinututukan ni Go ang pagpapatayo ng mga Malasakit Center sa buong bansa na siyang magbibigay ng libre at mas mabilis na tulong medikal sa mga kababayan; pagdadala ng relief assistance sa mga nasunugan at ang 3-point ng bayan na isang basketball event na naglalayong mailayo ang mga kabataan sa illegal drugs at pagtulong na rin sa pagpapalaganap ng 3-point agenda ni Pangulong Duterte na paglaban sa illegal drugs, kriminalidad at korapsyon.

Una nang tiniyak ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang pagsuporta niya sa kanyang top-aide na si Go dahil kabisado na nito ang pagiging public servant sa ilang dekada nilang pagsasama.

vuukle comment

CERTIFICATE OF CANDIDACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with