^

Police Metro

Tandem lasog sa bus

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nalasog ang katawan ng dalawang sakay ng motorsiklo matapos na bumangga sa kasalubong na bus kamakalawa sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Brgy.Penafrancia Daraga, Albay.

Nasawi noon din sina Kenny Custodio,19, ng Brgy.Banadero at Jessa Mabilin, 22, ng Brgy. Anislag.

Kusang loob na sumuko sa mga pulis ang driver ng bus na si Roderick Betancur, 35, residente ng Ilang-Ilang Street, Lucena City.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi ay binabaybay ng mga biktima sakay ng motorsiklo ang nasabing highway patungong Poblacion, Daraga.

Nang masalpok sila ng DLTB Bus (AQA-6759) na minamaneho ni Betancur na patungo naman ng Sorsogon City na kung saan sa lakas nang pagkakabangga ay nadurog ang dalawang biktima at ang kanilang motorsiklo na agad nilang ikinasawi.

vuukle comment

KENNY CUSTODIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with