2 drug pusher nanlaban, napatay

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang dalawang lalaki nang manlaban umano sa mga otoridad sa isinigawang drug buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Anthony Lovato, alyas “Tone” 30, ng Barangay 575 G. Tuazon St., Sampaloc, Maynila at Reynante Hohokam, alyas “Nante”, 55 at residente ng C.M. Recto Avenue, Sta. Cruz.

Bago nangyari ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi sa isang two-storey apartment sa no.1360-B Quiricada St., kanto ng lpil St., Brgy. 327 Z-33, Sta. Cruz, Maynila ay subject ng drug buy bust operation si Lovato.

Subalit nakahalata ito na pulis ang kanyang kliyente kaya’t nagtatakbo ito papasok sa eskinita at pinutukan ang mga humahabol na mga otoridad.

Maging si Hohokam ay nakipagbarilan din kaya’t gumanti ng putok ang mga otoridad at nasapol ang dalawang suspek na dinala sa ospital, subalit kapwa idineklarang dead on arrival.

Show comments