Bagitong parak itinumba

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-8:30 ng umaga sa pagitan ng 7th at 8th Avenue sa D. Aquino Street, Brgy. 46 ay sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima na naka-uniporme para mag-duty nang dikitan ng isang motorsiklo sakay ang dalawang salarin at agad na pinagbabaril saka mabilis na tumakas.
File

MANILA, Philippines — Isang bagitong pulis ang nasawi nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang salarin na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinilalang si PO1 Marvin Anthony German, 31, may-asawa, nakatalaga sa Northern Police District Headquarters at nakatira sa No. 101 L. Nadurata Street, Brgy. 46, ng lungsod.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-8:30 ng umaga sa pagitan ng 7th at 8th Avenue sa D. Aquino Street, Brgy. 46 ay sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima na naka-uniporme para mag-duty nang dikitan ng isang motorsiklo sakay ang dalawang salarin at agad na pinagbabaril saka mabilis na tumakas.

Nadala pa sa ospital ang biktima, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Show comments