Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Corporal Jessie Ensilay at Sgt. Brian Rey Mullot; pawang miyembro ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 5 na nakabase sa Palembang, Sultan Kudarat.
File
2 sundalo na gun for hire, arestado
Joy Cantos (Pang-masa) - September 28, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga otoridad ang dalawang mi­yembro ng Philippine Marines na pinaghihinalaang miyembro ng gun for hire gang matapos masangkot sa pamamaril na ikinasawi ng isang sibilyan habang isa pa ang malubhang nasugatan sa Iloilo nitong Miyerkules.

Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Corporal Jessie Ensilay at Sgt. Brian Rey Mullot; pawang miyembro ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 5 na nakabase sa Palembang, Sultan Kudarat.

Ang dalawang biktima ng pamamaril ng mga sundalo ay kinilalang sina Joren Banas, dead on arrival sa pagamutan at Pebe Barabona na grabe namang nasugatan sa insidente at pawang residente ng Barotac Viejo, Iloilo.

Nabatid na ang mga biktima ay lulan ng Elf truck nang pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng kulay itim na Honda XRM 125 motorcycle na walang plaka matapos na mag-overtake sa sasakyan ng mga sibilyan.

Bandang alas -5:00 ng hapon nitong Miyerkules nang masakote ng mga elemento ng Iloilo Police ang mga suspek.

PHILIPPINE MARINES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with