Palparan inilipat sa Bilibid

MANILA, Philippines — Inilipat na sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City si dating Army Gen.Jovito Palparan Jr., matapos na mahatulang mabilanggo ng habambuhay ng Malolos RTC sa pagdukot sa dalawang aktibistang UP student na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan noong 2006.

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na noong Sabado pa nang mailipat sa Bilibid sina Palparan, retired Lt. Col. Felipe Anotado Jr. at Staff Sergeant Edgardo Osorio.

Bukod sa pagkakulong ay inatasan din ng korte sina Palparan, Anotado at Osorio na bayaran ang pamilya nina Empeno at Cadapan ng halagang P100,000 bilang civil indemnity at P200,000 para sa moral damages bawat isa.

Una nang sinabi ni Bureau of Corrections Director retired Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa na posibleng sa maximum security compound ng NBP ikulong si Palparan kung saan nakapiit ang mga may ‘heinous crimes.’

Show comments