Grade 11 nilasing bago hinalay ng 2 kaibigan

MANILA, Philippines — “Kapag may alak, may balak”.

Ito ang aral na natutunan ng isang grade 11 student matapos na siya ay imbitahan sa inuman ng dalawang 17-anyos na kaibigan at nang malasing ay hinalay siya ng mga ito naganap kamakalawa sa Parañaque City.

Agad namang naaresto ang dalawang binatilyo na hindi pinangalanan na ang isa rito ay hindi nag-aaral.Habang ang biktima ay itinago rin sa pangalang Lucy, 17, ng Brgy. San Dionisio ng naturang lungsod.

Sa ulat, bago naganap ang insidente alas-4:45 ng hapon sa isang bahay sa Quirino Avenue, Brgy. Tambo ay inimbitahan si Lucy ng dalawang suspek na mag-iinuman.

Dahil kaibigan ay nagtiwala ang biktima at pumayag sa imbitasyon ng dalawang suspek.

Nang kapwa malasing ay dito na isinagawa ng dalawang suspek ang panghahalay sa biktima.

Matapos na mahimasmasan ang biktima ay kaagad itong nagtatakbo hanggang sa humingi ng tulong sa mga pulis na nagsagawa ng follow-up operation at naaresto ang dalawa na kinasuhan ng rape.

Show comments