SK kagawad, 2 pa timbog sa P.5 milyong shabu

MANILA, Philippines — Tatlong kabataan kabilang ang isang SK Kagawad ang naaresto ng mga otoridad sa isang drug bust operation sa Bacoor City, Cavite, kamakalawa.

 

Ang mga suspek ay kinilalang sina John Verzosa, 20, SK Kagawad ng Brgy. Talaba 2; Andry Odeña, 22, ng Brgy. Zapote 1; at menor de edad na itinago sa pangalang Lian.

Batay sa ulat, bago isinagawa ang buy bust operation dakong alas-7:30 ng umaga ay isang linggong isinailalim sa surveillance ang 3 suspek.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at bibili ng shabu na nagkakahalaga ng P12,000 at nang magkaabutan ng items ay dito na inaresto ang tatlong suspek. Nasamsam sa mga suspek ang mahigit 80 gramo ng shabu na may street value na P500,000.00.

Show comments