Lalaki na ’di makayanan ang sakit, naglaslas ng leeg
Jorge Hallare (Pang-masa) - September 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas pinili umano ng isang 35-anyos na lalaki ang magpakamatay sa pamamagitan nang paglaslas sa kanyang leeg dahil sa hindi umano makayanan ang dumapong sakit sa kanya naganap kamakalawa sa Zone 5, Brgy. San Juan, Iriga City, Camarines Sur.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si Franco Oronan, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang matagpuang duguan ang leeg ng biktima na may hawak na patalim ng kanyang kapatid na si Joan Oronan Salem.

Sa imbestigasyon ng pulisya nahihirapan umano ang biktima sa pagtulog nang dapuan ng hindi pa matukoy na sakit.

FRANCO ORONAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with